China Maritime Day, nakatuon sa kooperasyon at pagpapalitang pandaigdig ng Belt and Road

2017-07-12 15:15:08

China Maritime Day, nakatuon sa kooperasyon at pagpapalitang pandaigdig ng Belt and Road

Ningbo, probinsyang Zhejiang ng Tsina - Ginanap nitong Martes, Hulyo 11 (China Maritime Day), 2017, ang porum tungkol sa okasyong ito. Dumalo rito ang mga personaheng Tsino at dayuhan mula sa iba't-ibang sirkulo upang talakayin ang kooperasyon at pagpapalitang pandaigdig hinggil sa "Belt and Road."

Sa porum, ipinahayag ni He Jianzhong, Pangalawang Ministro ng Komunikasyon at Transportasyon ng Tsina, na sa bagong panahon ng pag-unlad, ang "Belt and Road" Initiative ay nakapagbigay ng bagong paraang pangkooperasyon para sa iba't-ibang bansa sa daigdig. Ito aniya ay nakakuha ng positibong reaksyon at malawakang suporta sa komunidad ng daigdig.

Sinabi rin niya na, ang sea transportation ay mahalagang tulay at garantiya para sa Maritime Silk Road, sa ika-21 siglo. Kasabay ng pagpapalakas ng konstruksyon ng mga imprastruktura sa transportasyon sa dagat, dapat ding palakasin ang konstruksyon ng sistema at regulasyon tungkol sa pag-unlad ng transportasyon sa dagat upang makapagbigay ng magandang kondisyon sa konstruksyon ng "Belt and Road," dagdag pa niya.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino