Pangangalaga sa kapayapaan sa Line of Control sa Kashmir, makakatulong sa katatagan ng rehiyon-Tagapagsalitang Tsino

2017-07-13 14:47:44 CRI

Ipinahayag Hulyo 12, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang sagupaan sa pagitan ng India at Pakistan sa Line of Control sa Kashmir ay hindi makakatulong sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Ani Geng, sinusubaybayan ng komunidad ng daigdig ang kalagayan sa rehiyon ng Kashmir. Umaasa aniya siyang gagawin ng mga may-kinalamang panig ang mga bagay na makakatulong sa pangangalaga sa katatagang panrehiyon, para iwasan ang paglalala ng nasabing situwasyon. Nakahanda aniya ang Tsina na gumanap ng konstruktibong papel sa pagpapabuti ng relasyong Indian-Pakistani.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino