Pangulo ng Tsina at Gobernador Heneral ng Kanada, nag-usap: estratehikong partnership, palalakasin

2017-07-14 12:31:38 CRI

Beijing-Nakipag-usap Hulyo 13, 2017 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay David Johnston, Gobernador Heneral ng Kanada.

Tinukoy ni Pangulong Xi na bilang mga mahalagang bansa sa Asya-Pasipiko, may komong interes at malawakang pagtutulungan ang Tsina at Kanada sa pagsasakatuparan ng kani-kanilang pag-unlad, at pagtugon sa ibat-ibang hamon sa mundo. Nakahanda aniya ang Tsina na pahigpitin ang pakikipagpalitan sa Kanada sa mataas na antas, para ibayong pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa. Umaasa ang Pangulong Tsino na magsisimula ang negosasyon ng Tsina at Kanada sa kasunduan ng malayang kalakalan sa lalong madaling panahon, para pataasin ang pamantayang pangkalakalan ng dalawang panig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Kanada para palawakin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng edukasyon, kultura, kabataan, turismo, palakasan, at iba pa, at patibayin ang pundasyong panlipunan at pampubliko ng relasyong Sino-Canadian. Ipinahayag naman ni Johnston na humihigpit ang tradisyonal na mapagkaibigang pagpapalitan ng mga mamamayan ng Tsina at Kanada. Positibo ang kanyang bansa sa tagumpay na natamo ng Tsina sa larangan ng pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad, pagbawas sa bilang ng mga mahihirap, pangangalaga sa kapaligiran, siyensiya, teknolohiya, at iba pa. Nakahanda aniya ang Kanada na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas, palakasin ang pagtutulungan sa kabuhayan, kalakalan, siyensiya, teknolohiya, palakasan, at iba pa, at pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino