Premyer ng Tsina at Gobernador Heneral ng Kanada, nag-usap: pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, pasusulungin

2017-07-14 12:33:30 CRI

Beijing-Nakipag-usap Hulyo 13, 2017 si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay David Johnston, Gobernador Heneral ng Kanada.

Ipinahayag ni Premyer Li na ang relasyong Sino-Canadian ay nasa bagong yugto ng pagsasakatuparan ng matatag at malusog na pag-unlad, at mabunga ang pakikipag-usap ni Ginoong Gobernador Heneral Johnston kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Sinabi ni Li na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Kanada para pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas. Aniya, may malaking potensyal ang pagtutulungan ng dalawang panig sa enerhiya, imprastruktura, inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya, pag-unlad ng katamtamang laki at maliliit na bahay-kalakal, at iba pa. Umaasa rin aniya siyang lalawak ang pagtutulungan ng dalawang panig sa edukasyon, turismo, at palakasan, lalo sa winter games.

Ipinahayag naman ni Johnston na nakahanda ang Kanada na magsikap, kasama ng Tsina para ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at mapahigpit ang pagtutulungan sa inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya, edukasyon, pagbago ng klima at iba pa. Umaasa aniya siyang magtatagumpay ang 2018 Tourism Year ng Tsina at Canada. Tutulungan ng Kanada ang Tsina sa pagdaraos ng 2022 Winter Olympic Games, dagdag ni Johnston.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino