Pagpapangalan ng Indonesia sa bahaging karagatan ng South China Sea, walang anumang katuturan — Tsina

2017-07-17 15:19:29

Bilang tugon sa pagpapangalan ng pamahalaang Indones sa bahaging karagatan ng South China Sea, sa bagong opisyal na bersyon ng mapa nito, ipinahayag kamakailan ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay walang anumang katuturan. Aniya, ang aksyong ito ay hindi nakakabuti sa mga pagsisikap para sa International Standardization of Geographical Names.

Ani Geng, sa mahabang panahon, bilang isang geographical name na ginagamit sa daigdig, ang tawag na "South China Sea" ay unang malawakang kinilala at tinanggap ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng United Nations (UN). Umaasa aniya ang panig Tsino na magsisikap ang mga kaukulang bansa, upang magkakasamang mapangalagaan ang kasalukuyang mainam na situwasyon ng South China Sea.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino