Tunisia, umaasang gagawa ang Tsina ng mas malaking papel sa pagpapasulong ng mapayapang paglutas sa isyu ng Libya

2017-07-20 12:08:25 CRI

Miyerkules, Hulyo 19, Beijing—Nakipag-usap dito si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang Tunisian counterpart na si Khemaies Jhinaoui. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa bilateral na relasyon ng Tsina at Tunisia, at tinalakay rin ang kalagayan ng Libya na kapuwa nila pinahahalagahan. Binigyang-diin nilang dapat igiit ang direksyon ng paglutas sa isyu ng Libya sa pamamagitan ng paraang pulitikal.

Ipinahayag naman ni Khemaies Jhinaoui na hinahangaan ng kanyang bansa ang obdiyektibo't makatarungang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Libya nitong nakalipas na mahabang panahon. Umaasa aniya siyang magpapatingkad ang Tsina ng mas malaking papel para sa mapayapang paglutas sa isyung ito sa lalong medaling panahon.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino