Ministrong Panlabas ng Tsina at Qatar, nag-usap: pangangalaga sa katatagan ng rehiyong Gulpo, komong mithiin ng komunidad ng daigdig

2017-07-21 10:50:33 CRI

Beijing-Nakipag-usap Hulyo 20, 2017 si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang counterpart sa Qatar na si Sheikh Mohammed bin Abdulrahman Al Thani.

Nitong ilang araw na nakalipas, naaapektuhan ng Gulf crisis ang kalagayan ng Gitnang-silangan. Samanatala, humihigpit ang diplomatikong mediyasyon ng komunidad ng daigdig sa rehiyong ito.

Ipinahayag ni Wang na ang pangangalaga sa katatagan at mapagkaibigang pagtutulungan sa Gulpo ay hindi lamang angkop sa pundamental na interes ng mga bansa sa rehiyong ito, kundi maging komong mithiin ng komunidad ng daigdig. Aniya, bilang isang organisasyong panrehiyong may mayamang karanasan, optimistiko ang Tsina sa maayos na paghawak ng Gulf Cooperation Council (GCC) sa kalagayan ng Gulpo, at pagsasagawa ng mabibisang hakbang para lutasin ang mga alitan, batay sa balangkas ng GCC.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino