Probinsyang Hainan ng Tsina at probinsyang Palawan ng Pilipinas, mag-friendship province

2017-07-24 10:56:20

Bumiyahe kamakailan sa Pilipinas ang delegasyon mula sa probinsyang Hainan ng Tsina na pinamunuan ni Liu Cigui, Hainan Provincial Party Secretary. Magkasamang nilagdaan nina Liu at Gobernador Jose Alvarez ng Palawan ang kasunduan ng pagtatatag ng relasyong pangkaibigan ng dalawang probinsya.

Ayon sa kasunduang ito, sa loob ng darating na limang taon, ipagkakaloob ng Hainan ang 50 Government Full Scholarship sa mga guro at estudyante ng Palawan, at hihikayatin silang magpunta sa Hainan para magkaroon ng pagpapalitan at pag-aaral. Bukod dito, ipapadala ng Hainan ang mga Chinese teachers para maidaos ang Chinese training classes para sa mga public servants ng probinsyang Palawan.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino