Premyer Tsino, bumati sa pagtatatag ng AFCA

2017-07-25 10:37:15

Sa kanyang mensaheng pambati sa pulong ng pagtatatag ng Asian Financial Cooperation Association (AFCA), sinabi kahapon, Hulyo 24, 2017, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ang pagtatayo ng matatag at mabisang sistemang pinansiyal ay mahalagang pundasyon para sa sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

Sinabi niyang layon ng aktibong pagmungkahi at pagsuporta ng Tsina sa pagtatatag ng AFCA ay pabutihin ang rehiyonal na alokasyon ng pinansyal na yaman at katigan ang pag-unlad ng iba't-ibang bansa, partikular ang mga bagong-sibol na ekonomiya. Sa proseso ng magkakasamang pagpapasulong ng konstruksyon ng "Belt and Road," maaaring magkaloob ang AFCA ng malakas na suporta, dagdag pa niya.

Nakabase ang AFCA sa Beijing na may 107 organong pinansiyal mula sa iba't-ibang bansa sa daigdig.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino