Tsina, umaasang maayos na hahawakan ng panig Australian ang insidente ng poster sa mga kolehiyo

2017-07-26 13:51:11 CRI

Kaugnay ng insidente ng paglitaw kamakailan ng mga poster hinggil sa "pagbabawal ng pagpasok ng mga Tsino" sa maraming unibersidad at kolehiyo ng Australia, ipinahayag Martes, Hulyo 25, 2017 ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang maayos itong hahawakan ng kinauukulang panig ng Australia, sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Lu na ang insidenteng ito ay nakatawag ng malawakang pansin sa loob ng Tsina. Nagdulot din ito ng kawalang kasiyahan at pagtutol ng mga mag-aaral na Tsino sa Australia. Umaasa aniya siyang totoong mapapangalagaan ng may kinalamang panig ng Australia ang kaligtasan, dignidad, at lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mag-aaral na Tsino sa Australia.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino