Amerika, dapat itigil ang pagmamanman sa teritoryong panghimpapawid ng Tsina-Tagapagsalitang Tsino

2017-07-26 14:48:49 CRI

Ipinahayag Hulyo 25, 2017 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na matagal nang isinasagawa ng panig militar ng Amerika ang pagmamanman sa himpapawid sa baybaying dagat ng Tsina. Aniya, apektado nito ang seguridad na panghimpapawid at pandagat ng bansa. Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na itigil ang aksyong ito.

Winika ito ni Lu bilang tugon sa pagpigil at pagtaboy kamakailan ng air force ng Tsina sa isang reconnaissance plane ng Amerika sa East China Sea. Ani Lu, palaging nagsisikap ang Tsina para pangalagaan ang kaayusan at kaligtasan ng paglipad sa himpapawid, alinsunod sa mga may-kinalamang regulasyong pandaigdig. Samantala, nagsisikap din ang Tsina, kasama ng ibat ibang bansa para itatag ang pagtitiwalaan sa isa't- isa sa larangang militar, upang maayos na hawakan ang mga alitan, dagdag pa niya.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino