Ministrong Panlabas ng Tsina at Pilipinas, nakipagtagpo sa mga mamamahayag

2017-07-26 14:51:56 CRI

Manila, Pilipinas-Sa isang magkasanib na preskong dinaluhan Hulyo 25, 2017 ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Pilipinas na sina Wang Yi at Alan Peter Cayetano, ipinahayag nila na ang “Belt and Road Initiative” ay isang bukas at inklusibong platapormang pangkooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at ito ay priyoridad ng pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas, sa hinaharap.

Ipinahayag ni Wang na noong sinaunang panahon, bilang isang mahalagang sektor sa Silk Road sa karagatan, ang Pilipinas ay may mahigpit at mapagkaibigang pakikipagtulungan sa Tsina. Ani Wang, sa kasalukuyan, ang magkasamang pagtatatag ng nasabing inisyatibo ay makakatulong, hindi lamang sa ibayong pagpapasulong ng relasyong Sino-Pilipino na may mutuwal na kapakinabangan, kundi maging sa pangmatagalang pag-unlad ng Pilipinas.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino