13th Strategic Security Negotiation ng Tsina at Rusya, binuksan

2017-07-27 10:48:26 CRI

Beijing-Binuksan Hulyo 26, 2017 ang ika-13 Estratehikong Negosasyong Panseguridad ng Tsina at Rusya. Magkasamang pinanguluhan ang pagtitipong ito nina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Nikolai Patrushev, Kalihim ng Security Council ng Rusya.

Nagpalitan ng kuru-kuro at nagkasundo ang dalawang panig hinggil sa mga may-kinalamang isyung kinabibilangan ng relasyong Sino-Ruso, suliraning pandaigdig, pagtutulungan sa multilateral na balangkas, at iba pa.

Positibo ang dalawang panig sa ibayong pagpapahigpit ng pagpapalitan para pasulungin ang natamong resulta sa gagawing Ika-7 BRICS Security Conference.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino