Mga kinatawan para sa 7th BRICS Security Conference, kinatagpo ni Kasangguni ng Estado Yang Jiechi

2017-07-28 10:52:24 CRI

Beijing-Kinatagpo Hulyo 27, 2017 ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina ang mga kinatawan ng South Africa, Brazil, at India para sa 7th BRICS Security Conference.

Ipinahayag ni Yang na sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig, ang pagpapalakas ng partnership ng mga BRICS Countries ay angkop sa kanilang komong interes at mithiin ng komunidad ng daigdig. Umaasa aniya siyang mapapahigpit ng mga kasapi ng BRICS ang pagpapalitan, estratehikong pagtitiwalaan, pagtutulungan sa larangang pampulitika at panseguridad, pangangalaga sa katarungang pandaigdig, at pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan. Ito aniya ay para magbigay-ginhawa sa mga mamamayan ng nasabing mga bansa.

Ipinahayag naman ng kabilang panig na lumalaki ang impluwensiya ng BRICS sa komunidad ng daigdig. Umaasa anila silang ibayong palalakasin ang partnership at palalawakin ang pagtutulungan para magkasamang pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino