Pag-aangkat ng Fujian mula sa ASEAN, lumaki

2017-07-28 12:10:33 CRI

Ayon sa adwana ng lunsod ng Xiamen ng Tsina, sapul noong Agosto ng nagdaang taon, nananatiling malaki ang pag-aangkat ng probinsyang Fujian mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) nitong nagdaang 11 buwang singkad. Napakalinaw ng tunguhin ng paglaking ito, ayon sa ulat.

Sa iba't-ibang bansang ASEAN, ang Pilipinas ay nagiging pinakamalaking trade partner ng Fujian. Ayon sa estadistika ng adwana, noong unang hati ng kasalukuyang taon, pumalo sa mahigit 23.9 bilyong Yuan, RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Fujian sa Pilipinas. Ito ay mas malaki ng 10.9% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Ang Indonesia naman ay nagsisilbing ikalawang pinakamalaking trade partner ng Fujian sa mga bansang ASEAN.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino