Ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag ng PLA, ipinagdiwang

2017-08-01 10:20:42 CRI CRI

Ngayong araw, Martes, unang araw ng Agosto, 2017, ay ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Liberation Army (PLA). Idinaos kahapon sa Beijing ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina ang maringal na resepsyon, bilang pagdiriwang sa okasyong ito.

Dumalo sa resepsyon si Xi Jinping, Pangulo ng Tsina, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina, at Tagapangulo ng Central Military Commission ng bansa. Dumalo rin dito ang mga iba pang lider ng estado at partido, na kinabibilangan nina Li Keqiang, Zhang Dejiang, Yu Zhengsheng, Liu Yunshan, Wang Qishan at Zhang Gaoli.

Bumigkas ng talumpati sa resepsyon si Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina. Nanawagan siya sa mga armadong lakas, na buong tatag na tupdin ang mga tungkuling na ipinagkakatiwala ng bansa at partido.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino