Ministrong Panlabas ng Tsina, lalahok sa serye ng pulong ng ASEAN sa Maynila

2017-08-03 15:25:02 CRI CRI

Sa paanyaya ni Kalihim ng Ugnayang Panlabas Alan Peter Cayetano ng Pilipinas, lalahok si Ministrong Panlabas Wang Yi sa serye na pulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na idaraos sa Maynila mula ika-6 hanggang ika-8 ng buwang ito.

Ito ay ipinatalastas Huwebes, Agosto 3, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

Kabilang sa mga pulong na dadaluhan ni Ministro Wang ay Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN at Tsina (10 1), Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea (10 3), Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng East Asia Summit (EAS) at Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN Regional Forum (ARF). Lalahok din si Wang sa mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino