Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Retno Marsudi ng Indonesya, nag-usap

2017-08-07 10:48:59 CRI

Manila, Pilipinas-Sa sidelines ng Foreign Ministers' Meeting ng Silangang Asya, nakipag-usap Agosto 6, 2017 si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang Indonesian counterpart na si Retno Marsudi.

Ipinahayag ni Wang na nananatiling mainam ang relasyong Sino-Indones. Aniya, noong Mayo ng taong ito, dumalo si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia sa “Belt and Road” Forum for International Cooperation sa Tsina, at sa darating na Setyembre, idaraos ng dalawang panig sa Beijing ang pulong ng mga pangalawang punong ministro sa larangan ng pulitika, seguridad, at kabuhayan. Ani Wang, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesya para pasulungin ang ugnayan ng “Belt and Road Initiative” at Indonesian Global Maritime Axis Vision, palakasin ang pagtutulungan sa pakikibaka sa terorismo at transnasyonal na krimen, at pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Ito aniya ay para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Ipinahayag naman ni Retno Marsudi na pinahahalagahan ng Indonesya ang pakikipagtulungan sa Tsina. Umaasa aniya siyang mapapalakas ang mataas na pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng ibayong paglaban sa transnasyonal na krimen, at pagpapasulong ng nasabing ugnayan.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino