Foreign Minister Wang Yi ng Tsina at Foreign Secretary Rex Tillerson ng Amerika, nag-usap

2017-08-07 10:52:18 CRI

Manila, Pilipinas-Sa sidelines ng Foreign Ministers' Meeting ng Silangang Asya, nakipag-usap Agosto 6, 2017 si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang American counterpart na si Rex Tillerson.

Ipinahayag ni Wang na nananatiling mainam ang relasyong Sino-Amerikano. Matagumpay aniya ang pagtatagpo ng pangulong Tsino at Amerikano sa Hamburg, Alemanya, at narating ng dalawang panig ang bagong komong palagay hinggil sa bilateral na pagtutulungan. Bukod dito, mabunga rin aniya ang kauna-unahang diyalogo ng Tsina at Amerika sa larangan ng diplomasiya, seguridad, at kabuhayan. Aniya pa, ilang sensitibong isyu ang ginanap sa pagtutulungan ng Tsina at Amerika, at kailangang maayos na hawakan ang mga ito.

Ipinahayag naman ni Tillerson na ang pagtakwil sa sagupaan at komprontasyon sa pagitan ng Amerika at Tsina ay hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang bansa, kundi makakatulong din sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig. Umaasa aniya siyang isasaalang-alang ng Tsina at Amerika ang pagpapasulong sa relasyong Sino-Amerikano sa darating na 50 taon. Inaasahan din ni Tillerson na  mapapatingkad ang mga mekanismong pandiyalogo ng Tsina at Amerika para palalimin ang pagtutulungan, at magbigay-ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang bansa at daigdig.

Nang mabanggit ang isyu ng South China Sea, ipinahayag ng ministrong Tsino na tumatatag ang kalagayan ng rehiyong ito, sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng Tsina at mga may-kinalamang bansa ng ASEAN. Umaasa aniya siyang igagalang ng Amerika ang nasabing pagsiskap, at gaganap ito ng konstruktibong papel sa pangangalaga sa katatagan at kaunlaran ng rehiyon.

Sa isyu naman sa Peninsula ng Korea, ipinahayag ni Wang na gumaganap at gaganap ang Tsina ng sariling ambag para sa maayos na paglutas sa nasabing isyu, batay sa obdiyektibo, makatarungan at responsableng atityud. Aniya, ang pagpapataw ng sangsyon ay hindi makakatulong sa paghawak ng problema. Dagdag pa ni Wang, umaasa ang Tsina na  isasaalang-alang ng Amerika ang “double suspension” na itinataguyod ng Tsina. Ang “double suspension ay tumutukoy sa suspension ng Hilagang Korea ng nuclear missile activities at suspension ng Amerika at Timog Korea ng kanilang malawakang pagsasanay militar.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino