Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Anifah Aman ng Malaysia, nag-usap

2017-08-07 15:54:29 CRI

Manila, Pilipinas-Sa sidelines ng Foreign Ministers' Meeting ng Silangang Asya, nakipag-usap Agosto 6, 2017 si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang Malaysian counterpart na si Anifah Aman.

Ipinahayag ni Wang na nananatiling mainam ang relasyong Sino-Malaysian. Aniya, ang magkasamang pagtatatag ng “Belt and Road Initiative” ay magdudulot ng pagkakataong pangkasaysayan sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Aniya, nagtamo ng progreso ang mga proyektong pangkooperasyon ng dalawang panig, at nananatiling mabilis ang pagtutulungan sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan. Aniya, bilang pinakamalaking trade partner ng Malaysia sa nakalipas na walong taon, suportado ng pamahalaang Tsino ang ibayong pinalakas na pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Malaysia.

Ipinahayag naman ni Anifah Aman na itinuturing ng Malaysia ang Tsina bilang matalik na kaibigan. Aniya, ang mapagkaibigang pagtutulungang Sino-Malaysian ay may mahalagang katuturan sa Malaysia at buong rehiyon. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapahigpit ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan. Samantala, umaasa rin siyang maayos na mahahawakan ang mga problema, sa prosesong pangkooperasyon ng dalawang panig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino