Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Kyung-wha Kang ng T.Korea, nag-usap

2017-08-08 10:56:22 CRI

Manila, Pilipinas-Sa sidelines ng Foreign Ministers' Meeting ng Silangang Asya, nakipag-usap Agosto 6, 2017 si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang counterpart ng Timog Korea na si Kyung-wha Kang. Ipinahayag ni Wang na bilang magkapitbansa, kailangan at mahalaga ang isinagawang pagpapalitan ng Tsina at Timog Korea sa mga suliraning may-kinalaman sa Peninsula ng Korea.

Sinabi ni Wang na ipinatalastas kamakailan ng Timog Korea ang pagtatalaga ng THAAD launcher ng Amerika sa bansa, at ito ay lumalapastangan sa interes ng Tsina sa estratehikong seguridad. Aniya, hindi dapat ito maging paraan sa pakikitungo sa isa't isa ng magkapitbansa, at hindi rin ito ang katwiran sa pagitan ng estratehikong magkatuwang. Umaasa aniya ang Tsina na isasagawa ng Timog Korea ang katam-tamang aktibidad na angkop sa pundamental na interes ng bansa. Aniya, inaasahan ding isasaalang-alang ng Timog Korea ang “double suspension proposal” na itinataguyod ng Tsina.

Ipinahayag naman ni Kyung-wha Kang na ang nasabing pagtatalaga ay bilang tugon sa banta mula sa Hilagang Korea, at ang pagtatalaga ng THAAD o hindi ay mababatay sa resulta ng environment estimation ng bansa. Umaasa aniya ang Timog Korea na mas mahigpit ang pakikipagpalitan sa Tsina para lutasin ang mga alitan ng dalawang panig, para sa totohanang pagpapabuti ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino