Mga ministrong panlabas ng Tsina at Rusya, nagtagpo

2017-08-08 11:37:50

Nagtagpo noong ika-6 ng Agosto sa Manila sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Sergei Lavrov ng Rusya.

Sinang-ayunan nilang matatag na pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa, palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan at pahigpitin ang komprehensibong kooperasyon.

Kaugnay ng resolusyon ng UN bilang 2371 na nagpaigting ng mga sangsyon laban sa Hilagang Korea, ipinalalagay nilang magkaisa ang paninindigan ng dalawang bansa sa isyu ng Korean Peninsula na dapat sundin ang prinsipyong “double suspension” and “double-track” para mapanumbalik sa tamang landas ang paglutas sa isyung nuklear ng Korea Peninsula sa pamamagitan ng talastasang pangkapayapaan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino