Ministrong panlabas ng Tsina, nanawagan sa kooperasyong panseguridad ng mga bansa ng Silangang Asya

2017-08-08 11:15:10 CRI CRI

Maynila, Pilipinas—Nanawagan Lunes, Agosto 7, 2017 si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa lahat ng bansa ng Silangang Asya na palakasin ang kooperasyong panseguridad, lalo na sa mga di-tradisyonal na larangan na gaya ng terorismo, transnasyonal na krimen at kapahamakang dulot ng kalikasan.

Ipinahayag ni Wang ang nasabing panawagan sa kanyang paglahok sa Ika-24 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN Regional Forum (ARF).

Si Ministro Wang sa paglahok sa Pulong ng mga Ministrong Palabas ng ARF

Ipinagdiinan niya ang kahalagahan ng komunikasyon sa pagitan ng mga bansa kagunay ng isyung panseguridad dahil makakatulong ito sa pagpapasulong ng pag-uunawaan at pag-alis ng di-pagkakaunawaan at di tumpak na pagtasa.

Nabanggit din ni Wang ang white paper na ipinalabas ng Tsina nitong nagdaang Enero hinggil sa patakaran nito sa pagpapasulong ng pagtutulungang panseguridad ng Asia-Pacific. Ipinakikita nito aniya ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Nanawagan din si Wang na pabutihin at i-update ang mga kasalukuyang rehiyonal na mekanismong panseguridad na kinabibilangan ng East Asia Summit (EAS), ARF, ASEAN Defense Ministers' Meeting-Plus at ibang mekanismong pangkoordinasyon, para mapalakas ang pagtutulungang panseguridad.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino