Pangulong Tsino, bumati sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN

2017-08-08 12:12:45 CRI CRI

Sa okasyon ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), isang mensaheng pambati ang ipinadala ngayong araw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN.

Ipinahayag ni Pangulong Xi na sa pamamagitan ni Pangulong Duterte, ipinaabot niya, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino at kanyang sarili, ang mainit na pagbati sa mga kasaping bansa at mga mamamayan ng ASEAN.

Aniya pa, nitong kalahating siglo, walang humpay na lumalakas ang ASEAN at naitatag ang ASEAN Community. Gumaganap aniya ito ng mahalagang papel sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at nagsisilbi rin itong lakas na kumakatawan sa multipolarisadong pag-unlad ng daigdig. Hangad aniya ng Tsina na makapagtatamo ang ASEAN ng mas malakas na pag-unlad sa pagtatatag ng ASEAN Community, para makapagkaloob ng mas malaking ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon at ng mas malaking kapakinabangan para sa mga mamamayan ng ASEAN.

Idinagdag pa ni Xi na sapul nang itatag ng Tsina at ASEAN ang relasyong pandiyalogo noong 1991, nananangan ang dalawang panig sa pagtutulungan at pag-unlad, at dahil dito, palakas nang palakas ang pagtitiwalaang pampulitika at mabunga ang mga pragmatikong pagtutulungan. Masasabing ang relasyong Sino-ASEAN ay ang pinakamasigla, pinakamayaman sa mga relasyon ng ASEAN at mga dialogue partner nito.

Ipinagdiinan ni Xi ang kahandaan ng Tsina na patuloy na igigiit ang prinsipyo ng pagiging matalik, matapat, kapaki-pakinabang, inklusibo, at samantalahin ang ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN na matatapat sa 2018, para itatag ang mas mahigpit na komunidad ng dalawang panig na may ibinabahaging kinabukasan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino