Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Mataas na Kinatawan Federica Mogherini ng Unyong Europeo, nag-usap

2017-08-08 15:12:31 CRI

Manila, Pilipinas-Sa sidelines ng Foreign Ministers' Meeting ng Silangang Asya, nakipag-usap si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Federica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo(EU) sa mga Suliraning Diplomatiko at Panseguridad. Nagpalitan sila ng kuru-kuro, pangunahin na hinggil sa isyung nuklear sa Peninsula ng Korea. Ipinahayag ni Wang na positibo ang Tsina sa ganap na pagpapatupad sa mga may-kinalamang resolusyon ng UN sa isyung nuklear ng peninsula. Aniya, ang “double suspension proposal” na itinataguyod ng Tsina hinggil sa pagtigil ng Hilagang Korea ng nuclear activities at pagtigil naman ng Amerika at T.Korea ng malawakang ensayong militar ay hindi lamang makakatulong sa pagbibigay-galang sa security concern ng mga may-kinalamang panig at pag-iwas ng vicious cycle ng situwasyon, kundi maging sa paghahanap ng breakthrouth para panumbalikin ang talastasang pangkapayapaan.

Ipinahayag naman ni Federica Mogherini na positibo ang EU sa konstruktibong papel ng Tsina sa nasabing isyu. Aniya, isinagawa ng Tsina at EU ang matagumpay at mabisang pagtutulungan sa isyung nuklear ng Iran, at inaasahan niyang maisasakatuparan din ng dalawang panig ang katulad na pagtutulungan sa isyu ng Peninsula ng Korea, sa pamamagitan ng pinalakas na pagpapalitan at malikhaing paraan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino