Resolusyon bilang 2371 ng UN, komong paninindigan ng UN Security Council-Tagapagsalitang Tsino

2017-08-08 15:19:56 CRI

Pinagtibay Agosto 6, 2017 ng UN Security Council ang resolusyon bilang 2371 na nagpapataw ng sangsyon bilang tugon sa nuclear missile activities na isinagawa kamakailan ng Hilagang Korea.

Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 7, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay nagpapakita ng panlahat na palagay ng mga miyembro ng UN Security Council sa pangangalaga sa katatagang panrehiyon, pagpapasulong ng ligtas na sandatang nuklear ng peninsula, at pangangalaga sa di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear sa daigdig.

Ani Geng, palaging suportado ng Tsina ang paglutas sa isyung nuklear ng Hilagang Korea, sa pamamagitan ng mapayapang diyalogo. Para rito, iniharap aniya ng Tsina ang mga konstruktibong mungkahing kinabibilangan ng “double suspension” na itigil ng Hilagang Korea ang nuclear activities at itigil naman ng Amerika at T.Korea ang magkasanib na ensayong militar, at “double track mechanism” na isakatuparan ang ligtas na sandatang nuklear at itatag ang mekanismong pangkapayapaan sa peninsula. Umaasa aniya ang Tsina na susuportahan ng komunidad ng daigdig ang nasabing mga mungkahi.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino