Halos 71 libong tao sa nilindol na purok ng Tsina, nailikas

2017-08-11 10:58:57

Makaraang maganap ang magnitude 7 na lindol sa Jiuzhaigou, probinsyang Sichuan ng Tsina, sa ilalim ng agarang magkakasamang pagkilos ng iba't-ibang panig, hanggang 1:00 ng hapon, Agosto 10, 2017, halos 71 libong tao sa nilindol na purok ang nailikas na sa ligtas na lugar. Ipinadala rin ang mga pulis mula sa maraming lugar sa purok ng kalamidad upang kumpunihin ang mga lansangan doon at maigarantiya ang pagbubukas ng mga ito sa trapiko.

Ayon din sa Tanggapan ng Impormasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sichuan, hanggang alas-12:00 kahapon, tumaas na sa 20 ang bilang ng nasawi sa nangyaring malakas na lindol sa Jiuzhaigou, habang 431 naman ang nasugatan. Kabilang dito'y 18 katao ang malubhang nasugatan.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino