Soberanya ng Tsina sa Nansha Islands, wala ng duda-Tagapagsalitang Tsino

2017-08-11 12:16:10 CRI

Kahapon, Agosto 10, 2017-Pumasok ang USS John S. McCain Combat sa karagatang malapit sa Nansha Islands ng Tsina, para umano'y isagawa ang “malayang paglalayag.” Dahil wala itong awtorisasyon mula sa pamahalaang Tsino, ipinadala ng hukbong pandagat ng Tsina ang warship para itaboy ang nasabing combat ship.

Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang duda ang soberanya ng Tsina sa Nansha Islands at karagatan sa paligid nito. Aniya, ang aksyon ng panig Amerikano ay hindi lamang lumabag sa batas ng Tsina at daigdig, kundi lumalapastangan din sa soberanya at seguridad ng bansa. Ipinarating aniya ng Tsina ang solemnang protesta sa Amerika hinggil dito.

Ani Geng, hindi babaguhin ng Tsina ang determinasyon sa pangangalaga sa kabuuan ng soberanya at teritoryo ng estado at sa katatagan ng South China Sea. Samantala, isasagawa aniya ng Tsina ang hakbang para ibayong pataasin ang kakayahang pandepensa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino