Ika-3 International Overseas Chinese Trade Fair, binuksan

2017-08-13 16:34:32

Binuksan ngayong umaga, Agosto 13, 2017 sa Shenzhen, Tsina, ang Ika-3 International Overseas Chinese Trade Fair (OCTI) na nilalahukan ng 615 bahay-kalakal mula sa 27 bansa at rehiyon ng buong daigdig.

Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Li Zhuobin, Pangalawang Tagapangulo ng All-China Federation of Returned Overseas Chinese, na sasamantalahin ng kasalukuyang perya ang pagkakataon ng “Belt and Road” Initiative para mapasulong ang pagpapalagayan at kalakalan ng mga mangangalakal sa loob at labas ng Tsina.

Sinabi rin niyang umaasa siyang mapapasulong ng mga overseas Chinese ang kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang may kinalaman sa “Belt and Road” Initiative.

Ang kasalukuyang perya ay nagtatampok sa transnasyonal na e-commerce at kabuuang industrial chain para ipagkaloob ang mga serbisyo sa pagpasok ng mga dayuhang produkto sa pamilihang Tsino.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino