Ika-11 Gesar Horse Racing, sinimulan sa Gansu, Tsina

2017-08-14 17:35:17 CRI CRI

Sinimulan noong nagdaang Linggo, ika-13 ng Agosto 2017, sa Maqu County, Gannan Tibetan Autonomous Prefecture ng lalawigang Gansu sa hilagang kanlurang Tsina, ang Ika-11 Gesar Horse Racing.

Ang Maqu County ay lupang-tinubuan ng isang espesyal na uri ng kabayo ng Tsina, na tinatawag na "Hequ Horse." Ang lugar na ito ay tinagurian ding "pinagmulan ng karera ng kabayo" sa Tsina, dahil may rekord sa kasaysayan na nagpapakitang idinaos dito ang ganitong karera, sapul noong sinaunang panahon.

Tumatagal nang 5 araw ang kasalukuyang karera. Kalahok dito ang 643 kabayo at kani-kanilang sakay mula sa iba't ibang lugar ng Tsina.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino