“Belt and Road Initiative,” kailangang maitatag ng Tsina at ibat-ibang bansa-Tagapagsalitang Tsino

2017-08-17 12:03:10 CRI

Ipinahayag kamakailan ni Lawrence Wong Shyun Tsai, Ministro ng Pambansang Kaunlaran at Pangalawang Ministro ng Pananalapi ng Singapore na ang “Belt and Road Initiative” ay magsisilbing pinakamalaking platapormang pangkooperasyon ng Asya, at ito ay makakatulong sa pag-unlad ng Asya sa hinaharap.

Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 16, 2017 sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang isang bukas at inklusibong plataporma para sa pagtutulungan ng Tsina at mga may-kinalamang bansa, ang Belt and Road Initiative ay makakatulong sa pagsigla ng kabuhayang panrehiyon at pagdaigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Singapore at ibat-ibang bansa para magkasamang maitatag ang nasabing inisyatibo at pabilisin ang integrasyong pangkabuhayan ng rehiyon, batay sa prinsipyo ng magkakasamang pagdidiyalogo, magkakasamang pagtatatag, at magkakasamang pagtatamasa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino