Ministrong Panlabas ng Tsina at Alemanya, nag-usap: paglutas sa isyung nuklear sa Peninsula ng Korea sa mapayapang paraan

2017-08-17 12:09:04 CRI

Nag-usap Agosto 15, 2017 sa telepono sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Sigmar Gabriel ng Alemanya. Nagpalitan ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa situwasyon sa Peninsula ng Korea.

Ipinahayag ni Wang na napahupa ang kasalukuyang kalagayan sa Peninsula ng Korea, batay sa magkasamang pagsisikap ng mga may-kinalamang panig. Nagpapatuloy aniya ang Tsina sa mapayapang paglutas sa isyung nuklear ng peninsula.

Umaasa aniya ang Tsina na mapapatingkad ng Alemanya ang konstruktibong papel sa usaping ito.

Ipinahayag naman ni Sigmar Gabriel na dapat matuto ang mga may-kinalamang panig sa aral ng Europa sa kasaysayan, para maiwasan ang paglala ng situwasyon sa Peninsula ng Korea.

Aniya, positibo ang Alemanya sa konstruktibong papel ng Tsina sa nasabing isyu, at suportado nito ang “double suspension proposal” na iniharap ng Tsina sa pagtitigil ng Hilagang Korea ng nuclear missile activities at pagtitigil ng Amerika at Timog Korea ng ensayong militar. Nakahanda rin aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina at mga may-kinalamang panig para pasulungin ang mapayapang paglutas sa isyung ito.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino