BRICS Seminar on Governance, ginanap; karanasang Tsino, highlighted sa seminar

2017-08-18 10:23:49

Binuksan Huwebes, Agosto 17, 2017, sa Quanzhou, probinsyang Fujian ng Tsina, ang BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa) Seminar on Governance na may temang “Openness, Inclusiveness, Mutual Benefit and Win-Win, Working Together to Build a Community of Shared Future for Mankind.” Nagtipun-tipon dito ang mga politiko, eksperto, at iskolar mula sa mga bansang BRICS, at marami pang bansang gaya ng Tanzania, Chile, at Mexico, upang magkaroon ng malalimang pagpapalitan tungkol sa mga temang kinabibilangan ng magkakasamang pagpapasulong ng komong pag-unlad, pagtataguyod ng dibersidad at kasaganaan ng sibilisasyon, pagpapabuti ng global governance system, at iba pa.

BRICS Seminar on Governance, ginanap; karanasang Tsino, highlighted sa seminar

Bilang mahalagang bahagi ng gaganaping BRICS Summit sa Xiamen, sa naturang seminar ay magkakahiwalay at aktibong pinagplanuhan ng mga kalahok ang pag-unlad ng mekanismo ng BRICS sa hinaharap.  

BRICS Seminar on Governance, ginanap; karanasang Tsino, highlighted sa seminar

Ipinahayag ni Tarun Vijay, Presidente ng India-China Parliament Group, na higit sa isang komunidad, magkapamilya pa ang limang bansang BRICS. Aniya, 22.5% ang proporsiyon ng kabuuang bolyum ng kabuhayan ng mga bansang BRICS sa kabuhayang pandaigdig, at 17.2% naman ang proporsiyon ng kabuuang halaga ng kanilang kalakalan sa kalakalang pandaigdig. Malalimang nakikipagsangkot na ang limang bansang BRICS sa kabuhayang pandaigdig.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino