“Double suspension proposal,” makakatulong sa makatwirang paglutas sa isyu ng Peninsula ng Korea-Tagapagsalitang Tsino

2017-08-18 12:40:46 CRI

Ipinahayag kamakailan ng tagapagsalita ng State Department ng Amerika na hindi magkapantay ang nuclear missile activities ng Hilagang Korea at magkasanib na ensayong militar ng Amerika at Timog Korea. Aniya, bilang isang regular na aksyong militar ng Amerika at Timog Korea, legal ang ensayo, at ipagpapatuloy ang mga pagsasanay na ito.

Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Agosto 17 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pangalangalaga sa seguridad ay nukleo ng isyung nuklear sa Peninsula ng Korea. Aniya, ang “double suspension proposal” na iniharap ng Tsina hinggil sa pagtitigil ng Hilagang Korea ng nuclear missile activities, at pagtitigil naman ng Amerika at Timog Korea ng ensayong militar ay makakatulong sa pagpapahupa ng maigting na kalagayan ng peninsula, paglutas sa isyung panseguridad, at paglikha ng kondisyon sa pagpapanumbalik ng talastasang pangkapayapaan ng mga may direktang kinalamang panig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino