Pangulong Tsino, ipinadala ang mensaheng pambati sa launching ceremony ng CIKD

2017-08-21 15:26:11

Beijing - Idinaos Lunes, Agosto 21, 2017, ang seremonya ng pagsisimula ng Chinese Center for International Knowledge on Development (CIKD) at preskon hinggil sa "Ulat ng Progreso ng Pagsasakatuparan ng Tsina sa Agenda ng Sustenableng Pag-unald sa Taong 2030." Ipinadala dito ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati.

Tinukoy ng Pangulong Tsino na ang pagsasakatuparan ng Agenda for Sustainable Development ay kasalukuyang komong tungkulin ng kooperasyong pandaigdig. Ito rin aniya ay komong responsibilidad ng komunidad ng daigdig. Lubos aniyang pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pagsasakatuparan ng agendang ito. Balanse aniyang isinusulong ng Tsina ang mga kaukulang gawain sa tatlong malaking larangang gaya ng kabuhayan, lipunan, at kapaligiran, at bunga nito, natamo ang maraming maagang ani.

Ipinahayag din ni Pangulong Xi ang kanyang kasiyahan sa pagkakatatag ng CIKD. Umaasa aniya siyang makakapagbigay ito ng positibong ambag sa pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon sa pag-unlad, at pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng Agenda for Sustainable Development sa buong mundo.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino