Kambal na giant panda, nagdiwang ng 2 taong kaarawan

2017-08-21 16:35:34 CRI CRI

Kamakailan, sa Dujiangyan Base ng China Giant Panda Protection and Research Center sa lalawigang Sichuan, timog kanlurang Tsina, idinaos ang birthday party para sa kambal na giant panda na sina Bingbing at Qingqing.

Inihandog ng mga caretaker ang birthday cake para sa dalawang panda. Nakalagay din ang mga pagkain sa loob ng mga kahon, bilang sorpresa para sa kanila.

Isinilang noong Agosto 18, 2015, sina Bingbing at Qingqing, sa Bifengxia Base ng China Giant Panda Protection and Research Center, na matatagpuan din sa Sichuan. Ngayon ay dalawang taong gulang na sila. Popular na popular ang dalawang pandang ito, dahil madalas na inilabas sa internet ang kanilang mga larawan at video clip.

Editor: Liu Kai

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino