Inaasahang magsisikap ang mga may-kinalamang panig para mapahupa ang situwasyon sa Peninsula ng Korea-Tagapagsalitang Tsino

2017-08-22 14:44:42 CRI

Bilang taunang ensayong militar ng Amerika at Timog Korea, binuksan Agosto 21, 2017 ang “Ulchi Freedom Guardian” exercise.

Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito'y hindi makakatulong sa pagpapahupa ng kasalukuyang maigting na situwasyon sa Peninsula ng Korea.

Umaasa aniya ang Tsina na isasaalang-alang ng mga may-kinalamang panig na kinabibilangan ng Amerika at Timog Korea ang “double suspension proposal” na itinataguyod ng Tsina hinggil sa pagtitigil ng Hilagang Korea ng nuclear missile activities at pagtitigil naman ng Amerika at Timog Korea ng ensayong militar, at maayos na lutasin ng mga panig ang isyu ng peninsula sa pamamagitan ng mapayapang diyalogo, sa lalong madaling panahon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino