Tsina, tagapagtaguyod at tagapagpatnubay ng South-South Cooperation

2017-08-22 14:46:35 CRI

Ipinahayag Agosto 21, 2017 ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN na ang Tsina ay tagapagtaguyod at tagapagpatnubay ng South-South Cooperation.

Winika ito ni Guterres sa isang mensahe bilang pagbati sa inagurasyon ng pagbuo ng International Development Knowledge Center at Pagpapatupad ng Tsina sa “2030 UN Sustainable Development Program.” Ani Guterres, bilang isang pangako ng mga mamamayan ng Tsina at daigdig para sa kapayapaan at kasaganaan, ang “Belt and Road Initiative” ay para palalimin ang pagtutulungan sa imprastruktura, kalakalan, pinansya, at patakaran ng mga bansa't rehiyon sa kahabaan ng belt and road.

Noong Setyembre, 2015, ipinatalastas ng Tsina ang pagbuo ng nasabing center sa UN Sustainable Development Summit para pag-aralan, kasama ng mga bansa sa daigdig ang teorya at praktis sa pagpapasulong ng kaunlarang pandaigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino