Tsina, tutol sa unilateral na sangsyon ng Hapon

2017-08-26 18:38:53 CRI

Beijing, Tsina-Ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtutol ng kanyang bansa sa unilateral na sangsyon mula sa anumang bansa, sa labas ng balangkas ng United Nations Security Council (UNSC).

Si Tagapagsalita Hua Chunying sa regular na preskon. Photo source: fmprc

Si Tagapagsalita Hua Chunying sa regular na preskon. Photo source: fmprc

Ipinahayag ni Hua ang nasabing paninindigan sa regular na preskon Biyernes, Agosto 25, 2017, bilang tugon sa pag-apruba nang araw ring iyon ng Gabinete ng Hapon sa pagpapataw ng bagong unilateral na sangsyon laban sa mga programang nuclear at ballistic missile ng Hilagang Korea. Apektado ng nasabing sangsyon ang limang kompanya at isang indibiduwal mula sa Tsina, at apektado rin ang mga bahay-kalakal at indibiduwal mula sa Namibia at Timog Korea.

Ipinagdiinan ng tagapagsalitang Tsino na palagiang komprehensibong sinusunod at tinutupad ng Tsina ang mga resolusyon ng UNSC na may kinalaman sa isyu ng Hilagang Korea. Idinagdag niyang ang nasabing unilateral na sangsyon ng Hapon ay matinding nakakapinsala sa relasyong Sino-Hapones at nagsisilbi itong bagong hadlang sa proseso ng pagpapabuti ng ugnayan ng dalawang bansa. Hinimok ng tagapagsalitang Tsino ang Hapon na itigil kaagad ang kamalian nito.

Salin: Jade

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino