Tsina at OCA, pagpapatuloy ng pagkakatigan

2017-08-28 15:43:23 CRI

Nakipagtagpo kahapon, Agosto 27, 2017 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Ahmed Al-Fahad Al-Ahmed Al-Sabah, Presidente ng Olympic Council of Asia (OCA), at nanonood ng pagbubukas ng Ika-13 National Games ng Tsina.

Ipinahayag ni Pangulong Xi ang pasasalamat sa positibong ambag na ibinigay ng OCA sa pagpapasulong ng palakasang Tsino at Asyano. Binigyan-diin niyang patuloy na kakatigan ng Tsina ang mga gawain ng OCA.

Ipinahayag naman ni Ahmed na patuloy na mahigpit na nakikipagkooperasyon ang OCA sa Tsina para mapasulong ang palakasan sa Asya. Aniya pa, buong tatag na kinakatigan ng kanyang komisyon ang Tsina sa pagdaraos ng 2022 Beijing Winter Olympic Games at Hangzhou Asia Games.

Nakatakdang matapos ang kasalukuyang national games sa Setyembre 8, 2017. Mahigit 10 libong manlalaro ang maglalaban sa 33 paligsahan, at sa kauna-unahang pagkakataon, ang square dance, roller skating, dragon boat racing at iba pang 16 na paligsahang pampubliko ay inilakip sa national games.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino