Lider Tsino, nakipag-usap sa mataas na opisyal ng UN

2017-08-29 10:23:29 CRI

Beijing-Kinatagpo Agosto 28, 2017 ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina si Patricia Espinosa, Executive Secretary ng United Nations Framework Convention on Climate Change.

Ipinahayag ni Yang na ang pagbabago ng klima ay may-kinalaman sa ginhawa ng buong sangkatauhan, kaya, kailangang pahigpitin ng komunidad ng daigdig ang pagtutulungan sa larangang ito.

Ani Yang, pinahahalagahan ng Tsina ang mga isyung may-kinalaman sa pagbabago ng klima, at aktibong isinasagawa ng bansa ang hakbangin para rito. Aniya, positibo ang Tsina sa multilateral na proseso sa harap ng pagbabago ng klima. Aniya, positibo ang Tsina sa prinsipyong may pagkakapantay-pantay, at common but differentiated responsibilities, alinsunod sa aktuwal na kakayahan at kalagayan ng ibat-ibang panig. Ipinahayag naman ni Patricia Espinosa na bilang positibo at konstruktibong puwersa sa pagpapatupad sa mga tratado hinggil sa pagbabago ng klima ng mundo, na kinabibilangan ng Paris Agreement, pinahahalagahan ng UN ang papel ng Tsina sa larangan ng pagbabago ng klima. Umaasa aniya siyang hihigpit ang pakikipagtulungan ng UN sa Tsina para pasulungin ang proseso ng pangangasiwa sa klima ng buong mundo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino