Sundalong Indian, umurong mula sa Donglang, Tsina-Tagapagsalitang Tsino

2017-08-29 12:27:24 CRI

Kinumpirma Agosto 28, 2017 ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-urong ng tropang panghanggahan ng India mula sa Donglang, Tsina. Umaasa aniya siyang matututo ang India sa pangyayaring ito. Inaasahan din aniya niyang magsisikap ang India, kasama ng Tsina para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa.

Ani Wu, noong ika-18 ng Hunyo, ilegal na pumasok ang mga Indian sa Donglang ng Tsina. Ito aniya ay humantong sa maigting na situwasyon sa purok-hanggahan. Kaugnay nito, isinagawa aniya ng Tsina ang mga katugong hakbang, na gaya ng pagpapahigpit ng pamamahala sa nasabing lugar, pagpapahigpit ng kahandaang pandigma, at pagpapalakas ng mga may-kinalamang pagsasanay, para pangalagaan ang kabuuan ng soberanya at teritoryo ng bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino