CPC, balak idaos ang Ika-19 na Pambansang Kongreso sa ika-18 ng Oktubure

2017-09-01 11:54:13 CRI CRI

Beijing, Tsina—Inaasahang idaraos Oktubre 18, 2017 ang Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Sa pulong Huwebes, Agosto 31 ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, ipinasiya nitong isumite ang proposal ng nasabing iskedyul sa ika-pitong sesyong plenaryo ng Ika-18 CPC Central Committee na gaganapin Oktubre 11.

Sa gaganaping pambansang kongreso, lalagumin ng CPC ang mga ginagawa nito nitong limang taong nakalipas sa pamumuno ng bansa para sa kaunlaran at kasaganaan. Samantala, susuriin din nito ang kasalukuyang kalagayang panlabas at panloob, at ang hangarin ng mga mamamayan para itakda ang mga patakaran ng pambansang kaunlaran.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino