a-22 pulong tungkol sa pagsasakatuparan ng DOC, mabisa — Tsina

2017-09-02 15:05:48

Sinabi Biyernes, Setyembre 1, 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ginanap sa Pilipinas Agosto 30, ang ika-22 Joint Working Group Meeting tungkol sa pagsasakatuparan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). Mainam ang atmospera at mapagkaibigan ang nasabing pulong na naglalatag ng magandang pundasyon para sa susunod na pagsasanggunian ng Code of Conduct (COC) in the South China Sea.

Ayon kay Hua, sa nasabing pulong, matapat at malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang iba't-ibang panig tungkol sa mga temang gaya ng pagsasakatuparan ng pagsasanggunian ng DOC, COC, at pragmatikong kooperasyon sa dagat. Narating nila ang kaukulang kasunduan, aniya pa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino