Mga Pangulo ng Tsina at Rusya, nagtagpo

2017-09-04 17:28:09

Nakipag-usap kahapon, Setyembre 4, 2017 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang counterpart na Ruso na si Vladimir Putin na kalahok sa Ika-9 na BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) Summit na idinaraos sa Xiamen, Tsina.

Sumang-ayon ang dalawang lider na ibayo pang pahigpitin ang naitatag na pagtitiwalaang pampulitika, palakasin ang komprehensibong estratehikong partnership na Sino-Ruso at palalimin ang pagpapalitan sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig. Samantala, gusto rin nilang pasulungin ang kooperasyon sa enerhiya, kalawakan, nuclear power, konneksyon sa pagitan ng Belt and Road Initiative at Eurasian Economic Union, at pangangalaga sa kapayapaang panrehiyon at pandaigdig.

Nagpalitan ng mga kuru-kuro ang dalawang lider sa mga isyung gaya ng paggigiit ng walang nuklear na Korean Peninsula at tumpak na paghawak sa bagong nuklear test na isinagawa ng Hilagang Korea.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino