PM Thai: BRICS Plus, bagong modelong nagpapakita ng komong hangarin ng mga umuunlad na bansa

2017-09-06 11:21:12 CRI

Ipinahayag Martes, Setyembre 5, 2017, sa Xiamen, Fujian, Tsina, ni Prayuth Chan-ocha, Punong Ministro ng Thailand, na ang kooperasyong “BRICS Plus” ay mahalaga para sa pag-unlad ng mga Emerging Markets at umuunlad na bansa.

Sinabi niyang ang “BRICS Plus” ay bagong modelong nagpapakita ng komong hangarin ng mga umuunlad na bansa. Ito aniya ay gumaganap ng konstruktibong papel para pasulungin ang pagsangkot ng mga Emerging Markets at umuunlad na bansa sa pangangasiwa sa mga suliraning pangkabuhayan sa buong daigdig.

Sinabi pa niyang nakahanda ang Thailand, na buong sikap na pasulungin, kasama ng Tsina, ang balanseng kabuhayang pandaigdig na may pagbibigayan, at isakatuparan ang 2030 Agenda for Sustainable Development sa ilalim ng modelong “BRICS Plus.”

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino