Pangulong Tsino, bumati sa 2017 China-Arab States Expo

2017-09-06 15:01:16

Yinchuan, probinsyang Ningxia ng Tsina - Binuksan Miyerkules, Setyembre 6, 2017, ang 2017 China-Arab States Expo. Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe bilang pagbati sa pagdaraos ng ekspong ito.

Sa mensahe, tinukoy ni Pangulong Xi na ang Tsina ay mainam na kaibigan at katuwang ng mga bansang Arabe. Aniya, sa ilalim ng malalimang pagsulong ng globalisasyong pangkabuhayan, ang Tsina at mga bansang Arabe ay nagiging mahalagang magkatuwang sa konstruksyon ng "Belt and Road." Nagiging mas malawak ang mga larangang pangkabuhayan, at mas marami ang mga natamong bunga ng dalawang panig, aniya ng pangulong Tsino.

Dagdag pa ni Xi, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang bansang kinabibilangan ng mga bansang Arabe, upang mapasulong ang konstruksyon ng "Belt and Road," at magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino