Online registration para sa pag-ulat sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, bukas na sa mga mamamahayag Tsino at dayuhan

2017-09-08 16:05:05 CRI CRI

Nakatakdang idaos ang Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Oktubre 18, 2017, sa Beijing, Tsina.

Upang mapaginhawa ang aplikasyon ng mga mamamahayag mula sa loob at labas ng Tsina na gustong mag-ulat ang idaraos na kongreso, binuksan na ng tagapag-organisa ng nasabing kongreso ang online registration system na https://cpc19reg.zgjx.cn/. Mula Setyembre 8, hanggang Setyembre 25, 2017, ay ang panahon ng pagpapatala online.

Sa gaganaping pambansang kongreso, nakatakdang lagumin ng CPC ang mga ginagawa nito nitong limang taong nakalipas sa pamumuno ng bansa para sa kaunlaran at kasaganaan. Samantala, susuriin din nito ang kasalukuyang kalagayang panlabas at panloob, at ang hangarin ng mga mamamayan para itakda ang mga patakaran ng pambansang kaunlaran.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino