Xi Jinping, nagpadala ng liham na pambati para sa padaraos ng Ika-13 Pulong ng United Nations Convention to Combat Desertification sa Erdos, Tsina

2017-09-12 16:34:19 CRI

Setyembre 11, 2017--Idinaos sa Erdos, Tsina ang Ika-13 Pulong ng mga Signataryo ng United Nations Convention to Combat Desertification (UNCCD). Ipinadala ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina ang liham bilang pagbati sa pagbubukas ng pulong na ito.

Sa liham, binigyan-diin ni Xi na ang pagpigil ng desertification ay komong hamon ng buong sangkatauhan, dapat itong magkasamang kaharapin ng komunidad ng daigdig. Aniya pa, matatag na natutupad ng Tsina ang obligasyon ng UNCCD, at pahihigpitin ang pagpapalitan ng Tsina at iba pang mga kasaping bansa at organisasyon ayon sa target ng pulong na ito, para itatag ang isang mas magandang mundo.

Ang UNCCD ay isa sa tatlong convention ng kapaligiran sa ilalim ng framework ng UN Conference on Sustainable Development na idinaos sa Rio de Janeiro, at ang layunin nito ay magpasulong ng kooperasyon ng komunidad ng daigdig sa pagpigil sa pagsasadisyerto at pagpapahupa sa tagtuyot.

salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino