2017 China-ASEAN International Marathon, gaganapin

2017-09-14 15:33:44

Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina - Ayon sa isang news briefing na idinaos Huwebes, Setyembre 14, 2017, tungkol sa 2017 China-ASEAN International Marathon, gaganapin ang nasabing palaro sa lunsod ng Fangchenggang, Guangxi ng Tsina, sa Nobyembre 19. Ito ang magiging isa pang malaking aktibidad ng pagpapalitang pampalakasan sa pagitan ng Guangxi at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) pagkatapos ng China-ASEAN International Touring Assembly.  

2017 China-ASEAN International Marathon, gaganapin

Magkakasamang itinaguyod ang palarong ito ng Chinese Athletes Association, Sekretaryat ng China-ASEAN Expo (CAExpo), Kawanihan ng Palakasan ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina, at pamahalaang panlunsod ng Fangchenggang.  

2017 China-ASEAN International Marathon, gaganapin

Ayon sa pagtaya, halos 12,000 atletang Tsino at ASEAN ay magpaparehistro at makikilahok sa nasabing palaro.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino